Tuesday, June 17, 2014

TAKSI DRAYBER (Tagalog)

May dalawang dekada na rin ang nagdaan
Naituring ang sarili na hari ng daan
Akoy naging isang batang taksi drayber
Malakas ang loob dahil isa pang ten-edyer

Tatlong daang kilometro tinakbo araw-araw
Halos lahat ng sulok ng Maynila akin nang natanaw
Iba't ibang kulay, lahi at kultura aking naka salamuha
Lahat ay pinasakay ko magbayad lang ng tama

Minsan may naging pasahero na magandang dilag
Sa kanyang kilos at damit alam kong mababa ang kanyang lipad
Nakipagkilala at balak nya akong maging isang 'kaibigan'
Basin daw libre hatid at sundo sa bar na kanyang pinapasukan

May nakilala rin akong isang doktora
Siya ay maganda mabait at isang dalaga
Sa maikling kwentohan sinabing meron daw akong abilidad
Binigyan ako ng number upang pag-aralin sa kanilang unibersidad

Walang kasing saya ang maging isang taksi drayber
Nahasa ang aking englis dahil sa mga pasaherong poreyner
Ngunit pagsapit ng gabi marami din itong mga pilegro
Mga mandurugas at holdaper ay nag-aabang sa iyo

Mga balita at kasaysayang tutuo ay aking napag-alaman
Mga tsismis ng mga pasahero aking napakikinggan
Alam ko lahat ng lugar na bawal, kalokohan at bisyo
Prostitusyon, droga sugalan itanong mo lang at alam ko

Isa lang ang masasabi ko bilang isang taksi drayber
Merong katutuhanan na kami ay mga sweet lover
Marami sa amin ang naging abugado at endyiner
Pero malamang isa lang sa amin nangarap maging "writer". Bow!

By: Jun Abines


Gamay nga hangyo, kung ikaw na lingaw ug giganahan sa mga balak, 
palihug ug click sa mga Ads ug Pahinumdom nga naa sa kilid.
Dako kini ug tabang kanako nga padayon mag sulat ug mga
balak bisaya. Salamat

No comments:

Post a Comment