Tuesday, June 17, 2014

SAPATOS (Tagalog)

Minsan din akong nangarap ng magandang sapatos
Kahit na sa damit at pagkain ay lumaking kapos
Nag iisang butas na sapatos lang ang aking pinag tiyagaan
Malayong paaralan binabagtas sa maputik at mabatong daan

Kahit na marumi ayaw ko pa ring labhan
Sa tubig at sabon ang sapatos ko'y rurupok lang
Pilit ginagamit may butas man ang talampakan
Pag ito'y tuluyang nasira paano na, di ko alam

Minsan may naawa isang titser kong mabait
Lumang sapatos ng kanyang mister sa akin ipinagamit
Iyon ay matibay at gawa sa tunay na balat
Ang brand ay 'Puma' itoy lubos kong ikinagalak

Dalawa't kalahating dekada na rin ang nagdaan
Ang bigay na sapatos ng titser ko'y di malilimutan
Hanggan ngayon siya'y aking pinasasalamatan
Pangarap kong sapatos ako'y kanyang binigyan. Bow!

By : Jun Abines
( Big Thank You to ma'am Elizabeth Yriarte)


Gamay nga hangyo, kung ikaw na lingaw ug giganahan sa mga balak, 
palihug ug click sa mga Ads ug Pahinumdom nga naa sa kilid.
Dako kini ug tabang kanako nga padayon mag sulat ug mga

balak bisaya. Salamat

No comments:

Post a Comment