Wala nay mas tam-is pa nga pulong sa kalibotan kundi ang atong dilang natawhan, ang Bisaya. Ato kining palamboon pinaagi sa mga balak nga maoy kapsula sa atong panahon. Hinaut malingaw kamo sa akong mga Balak Bisaya. Salamat. - JUN ABINES / Cebu City, Philippines
Saturday, June 14, 2014
TAKSI DRAYBER (G.R.O. si Ma'am) Usa ka nobela
Alas singko na noon ng hapon, araw ng byernes. Isang magandang babae ang pumara ng taksi ko sa may Makati. Sa Quezon City daw uwi niya. Nandoon ang kanyang apartment, malapit sa may Camp Crame at nagmamadali daw sya. Marami siyang dala-dala. Hirap na hirap siyang bitbitin ang mga shopping bags. Ang dami niyang binili sa Ayala Center. "Mukhang mayaman!" Bulong ko sa sarili.
Deritso agad ako ng Edsa. Sa may Buendia palang ay halos usad pagong na ang traffic. Rush hour kasi at byernes pa. Wala ba daw short cut? Tanong ng ale. "Wala po" Magalang kong sagot. Napansin kong medyo bisaya ang tuno ng salita nya. Kaya sabi ko na bisaya din ako. Natuwa siya. Taga Davao daw siya. Isa siyang titser pero nandito daw siya ng Maynila upang hintayin ang kanyang visa para abroad. Sa may likuran siya naka upo. Kitang-kita ko sa salamin ang maganda nyang mukha. Mistisa si ma'am. Maputi and medyo blonde ang buhok. "May pag-asa kaya akong makapag -asawa ng kasin ganda nya?" Tanong ko sa sarili. Isa siyang napaka gandang babae. Hindi ko kayang tumitig sa kanya ng diretsahan. Para siyang anghel na nakakasilaw ang ganda.
Tahimik lang ako. Ewan ko ba, sadyang nawawala lahat ng tapang ko kapag nag kagusto ako sa isang babae. Para bang nahihiya akong makita nya sa mukha ko na may gusto ako sa kanya. Baka isipin nya na isa akong ambisyoso. Pero wala naman akong balak manligaw agad, ano ako hilo?!! Alam kong imposible na magustohan niya ako. Ah basta! Natotorpe ako at natatamimi sa mga babaeng kasin ganda nya. Parang nanginginig kalamnan ko makaharap ko lang siya. Buti na lang nasa likuran ko siya. Kung nasa tabi ko siya ay baka mabangga ko pa ang taksi!
Pero huli na ang lahat, ganado nang makipag-usap sa akin si ma'am. Lalo na't alam na nyang bisaya ako. Saan daw ba probinsya ko? Ilang taon na raw ba ako? May-asawa na daw ba ako? An dami niyang tanong! Sagot lang ako ng sagot. Parang akong nag-a-apply na maging driver nya sa interview nya. Pero masaya ako na kinausap niya ako. Na aamoy ko ang mabango niya perfume mula sa likuran. Sarap siguro niyang halikan! Pilyo kong pangarap.
Wala pa palang isang buwan si ma'am sa Maynila. Habang naghihintay daw siya na ma-approve ang visa para abroad ay namamasukan daw muna siya sa isang bar sa Makati. Ang may-ari daw ng bar ang siya rin ang may-ari ng agency na ina-apply-an nya para abroad. Naka-amoy ako ng modus-operandi! Sinabi ko kaagad sa kanya na mukhang duda ako sa amo niya. Mabait daw amo niya. Libre pa nga daw tirahan niya sa apartment. Lima daw silang galing Davao ang nagsa-sideline sa bar habang naghihintay ng visa.
Alam kong biktima ng modus operandi si mam. Pero malabong maniwala siya sa akin. Kaya sinabi kong mag-ingat lang siya sa sarili habang nagtatrabaho sa bar. Protektive daw ang amo niya. Hatid sundo daw sila sa bar. Mga foreigner at mayayaman na desenteng mga pinoy daw ang kustomer ng bar nila. Hindi raw sila pinipilit na gawin ang ano mang bagay na malaswa sa loob ng bar. Nakikipag inuman lang daw sila at nakikipag kwentohan sa mga kustomer, at hanggang doon lang. Para siyang batang nagpaliwanag sa kuya niya. Binigyan ko siya ng number ko sa opisina namin. Sinabi kong tawagan lang niya ako kung sakaling magka problema siya dahil baguhan lang siya sa Maynila. Para akong kuya na nag aalala. Parang hindi ko mapapatawad ang sarili ko na walang gagawin kung sakaling may masamang mangyari sa kanya. Tinangap niya ang number ko. Pero nakita kong naniwala siya na talagang concern lang ako sa kanya. At iyon ang totoo.
Halos ayaw umusad ang traffic sa Edsa. Mag-a-alas sais na ng gabi ay nasa Guadalupe palang kami. Patuloy ang kwentohan namin. Sa akin daw ba ang taksi? "Hindi" sagot ko. Tapos daw ba ako ng koleyo? "Hindi" pa rin sagot ko. Hindi raw ako mukhang taksi drayber. Mukha daw akong propesyonal. Baka daw niloloko ko lang siya. Natuwa ako sa sinabi niya. Medyo pogi points sa akin ang pag-aalala ko sa kanya. Hindi na ako umimik. Masaya na akong mapagkamalang may-ari ng taksi, mapagkamalang propesyal at tawaging desente. At lalong nagpapasaya sa akin ay ang marinig iyon sa isang babaeng ubod ng ganda. Kung hahalikan nya ako sa pisngi, baka himatayin ako. Ganun siya kaganda!
Mag a-alas syete na nang gabi nang marating namin apartment niya. Malaki rin ang pinatak ng taksi ko halos tatlong daan. Hindi agad niya ako binayaran. May pakiusap siya. Payag daw ba akong hintayin siya mga trenta minutos upang maligo at mag-ayos tapos babalik daw agad kami ng Makati. Dadagdagan daw niya ang bayad para di ako malulugi. Nag-alanganin ako. Paano kung manloloko lang siya? Paano kung hindi talaga niya apartment yon? Paano kung... pero alam kong di siya manloloko. Sige na daw, please... mahirap daw kasi kumuha ng taksi sa mga oras na iyon. Ayaw ko sana, pero di ko matanggihan ang nagmamakaawa niya mukha. Sa totoo lang, isang halik lang nya ay ililibre ko na sya sa taksi na walang bayad. Ewan ko ba. Di ko siya matanggihan. Pumayag ako. Pumasok siya sa apartment at nag park ako sa labas. Sana hindi siya manloloko.
Part 2
Naghintay ako sa labas ng apartment. Lumipas din and trenta minutos ay wala pa si ma'am. Medyo kinabahan ako. Mukha na dali yata ako ah! Baka lumusot lang yon sa likuran ng apartment at kunwari lang na taga doon siya. Nag hintay pa ako ng mga limang minuto. Wala pa rin! Patay ako. Ang tanga-tanga ko. Ang dali ko palang lokohin. Tatlong daan na patak ng taksi ang di nabayaran. Nag aksaya pa ako ng sobra kalahating oras! Lumabas ako ng taksi. Naalala ko sabi nya ay Door 6 daw ang apartment nya. Titingnan ko sa loob kung may door 6 ba talaga na apartment. Kung wala, eh di, "charge to experience!" Natatawa ako sa sarili na ako pa ang nag alala sa kanya na lokohin dito sa Maynila, eh ako naman pala etong tanga na madaling mauto.Pumasok ako ng compound at tumingin sa mga numero ng pintoan. May Door 1, Door 2, Door 3... ...ayon Door 6!
Lumapit ako sa pinto ng Door 6. Siya mismong pag labas ni mam. Nag katinginan kami. Para akong nakakita ng anghel. Hapit na hapit ang kanyang damit. Kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan. Naka high heels sya at nakalugay ang kanyang lagpas balikat na haba ng buhok. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tumigil sandali ang puso ko sa pagpintig. In love ako kay mam. Para akong estatwa na naka tindig lang sa sa may harapan nya. Nakanganga na humanga sa ganda nya.
"Sorry ha!" Despensa nya. "Mahina kasi agus ng tubig, nag ipon pa ako ng isang baldi" dagdag paliwanag nya. Ngumiti lang ako at "Okey lang po" ang mabait kung sagot. Kanina pa lang ay galit na ako. Uminit na ulo ko sa kahihintay. Akala ko naloko na ako. Pero isang ngiti lang nya ay nawala lahat yon. Tumalikod na ako upang mauna sa taksi ko. Pero bigla siyang humawak ssa braso ko na parang prinsisa na nangangailangan ng isang escort. Mataas ang kanyang high heels. Kaya todo kapit siya sa braso ko baka bigla siyang matapilok. Marahan kaming lumakad papuntang taksi na parang mag syota. Komportabling-komportable siya sa akin. Ako hindi. Langhap ko ang bango nya. Takot naman akong maamoy niya pawis ko. Iwas ako ng iwas na magdikit katawan namin. Siya naman ay panay dikit na may lambing tila nakaanap ng bagong Prince Charming. Para kaming namasyal sa luneta. Ako si Romeo, Siya si Juliet. Ang sarap namnamin ang mga nakaw na sandali.
Ihatid ko raw siya sa bar na pinagtatrabahon nya. Gusto daw niyang makita ko ang bar. Napag-isip daw nya habang naliligo na kailangan talaga niya ng tulong sakaling tama ang suspitsa ko. Gusto din daw niya na ako susundo sa kanya tuwing uwian nilamsa madaling araw. Madalas daw kasi siya malasing at takot siyang pagsamantalahan ng mga lokong taksi drayber. Nakinig lang ako. Sa harapan na ng taksi siya sumakay. Talagang distracted na ako sa mapuputi nyang legs. Siya na man ay walang kamali-malisya kung umupo at makita ko ang makinis niya legs. "Alam mo? May itsura ka!" Kaswal niyang sambit habang nakatingin sa akin na para bang ini-eksamin kung papasa ba akong maging boy-friend nya. Muntik ko nang mabangga ang kotse sa harapan ko ng marinig yon. Abot tenga ang ngiti ko. Gusto kong tumingin sa kanya at sagotin siya ng "Alam mo? Isa ka sa pinakamagandang babae na nakilala ko!" Pero wala akong lakas na gawin yon. Sadyang napaka lakas ng tama ko sa kanya. "Kabog! Kabog! Kabog!" Sabi ng puso ko.
Kwentohan pa kami ng kwentohan. Sa haba ng kwentohan ay napilit din niya akong sunduin siya mga alas dos ng madaling araw. Ewan ko ba. Ayaw kong maniwala na may gusto siya sa akin. Pero lahat ng kilos nya ay parang may ibig sabihin. Paano kung lasing siya mamayang madaling araw? Medyo kinabahan ako sa naisip ko. Alam kong hindi ako masamang tao, pero kung kasing ganda nya ang tutukso sa akin ay talagang wala akong kakayahan tumanggi. Nahiya ako sa sarili ko. Ang sama ko! Kunting pagtitiwala lang ni mam sa akin ay heto na ako nag iilusyon ng kung ano-ano. Ang kapal ko!
Huminto kami sa isang magarang club sa Makati. Isa iyon sa pinaka mamahaling bar sa mismong Makati red light area. Sobra ang ibinayad niya sa akin. Salamat daw. Ba-bya daw. Nalungkot ako.Parang ayaw kong bumaba siya. Gusto ko siyang ka kwentohan. Gusto ko siyang makilala ng lubos. Pero higot sa lahat, gusto ko siya. Hindi naman siguro masamang mangarap. Sana mag-alas dos na agad ng madaling araw upang sunduin ko na agad siya. Alice ang pangalan nya. Napakagandang pangalan.
Tinginan lahat ng kalalakihan sa paligid kay Alice habang lumakad papasok ng bar. Isang certified 'head turner' si Alice. Ang aking Alice. Hindi ako umalis hanggang makapasok siya sa pinto. Lumingon siya sa akin bago pumasok sabay senyas sa akin na balik daw ako mamayang alas dos. Sapat na yon para tumingin ang mga kalalakihan sa direksyon ko. Alam kong iba ang nasa isipan nila. Maraming mga taksi drayber at GRO ang magkalive-in bilang 'friends with benefits". Libre ng taksi si GRO at may girlfriend si taksi driver. Perfect arrangement, ika nga sa englis.
Namasada ako mula alas dyes ng gabi hanggang ala-una ng madaling araw na walang ginawa kundi tingnan ang mabagal na takbo ng oras sa relos ko at isipin si Alice. Ewan ko ba. Ibang-iba ang pakiramdam ko sa kanya. Payag akong alilain nya habang buhay kung siya ang makasama ko. Pero hirap akong paniwalaan na isa siyang GRO. May natapos naman siya. Ba't di siya maghanap ng mas desenting trabaho? Bakit nagpaloko siya sa kanyang boss? Wala ba siyang asawa? Wala ba siyang boyfreind? Wala ba siyang pamilya na tumotol sa trabaho niya. Bakit siya nag GRO. Bakit, Bakit, Bakit? Gusto kung malaman.
Part 3
Sa wakas dumating din ang alas dos ng madaling araw. Pumarada ako sa may harapan ng bar kung saan ko ibinaba si Alice dati. Walang pang dyes minutos ay lumabas na si Alice. Kasabay niyang lumabas isang foreigner na parang Jordanian at nakahawak sa baywang nya. Nakaramdam ako ng selos sa nakita ko. Sarap kayang bugbogin ng kanyang kustomer. Tumingin si Alice sa taksi ko at sa akin na parang hindi ako kilala. Medyo napahiya ako. Akala ko ay sasalubungin niya ng magandang ngiti ang mga tingin ko sa kanya.Gusto kong matunaw sa hiya. Eto ako eksayted na sunduin siya, pero parang hindi niya ako kilala. Nainis ako sa sarili ko na pumayag akong pag tripan nya. Hindi ko kayang tingnan sila ng kustomer niya na naghaharutan sa mismong harapan ko. Kaya naisipan kong umalis nalang. Kambyo ako ng premira at sabay takbo. Napahiya ako. Good bye Alice!
Lumingon ako sa kanya bilang huling paalam. Nagsalubong paningin namin. Galit siyang nakatingin sa akin na parang Nanay ko, sabay bigkas ng "balik dito!" Di ko narinig yon, pero kita ko sa bibig nya na binigkas niyang bumalik daw ako. Ewan ko, basta na lang akong tumango. Pero humarorot pa rin ako at lumiko sa may unahan at huminto. Nag isip ako. Wala pang ilang oras na nakilala ko si Alice, pero naranasan ko na ang magalit, mainip, kabahan, magselos, mangarap at mapahiya. Pero higit sa lahat, na in-love ako at sumaya! Nagmunimuni ako. Balikan ko pa siya o hindi? Handa ba akong maging parte at maki-gulo sa buhay niya? Pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung makikipag kaibigan lang ako sa kanya. Nagpalipas ako ng sampung minuto. Kung nandoon pa siya sa bar, ibig sabihin ay matino siya atbseryosong makipag kaibigan sa akin. Kung wala na siya, ibig sabihin ay kumuha na siya ng ibang taksi at di na na kaming magkikita muli.
Bumalik ako sa bar pag lipas ng sampung minuto. Nandoon siya. Nakatingin na siya sa taksi ko habang papalapit pa lang ako. Merong ngiti sa mukha nya. Gumaan ang loob ko. Nagsisi ako kung bakit ko pa siya pinahintay nga sampung minuto. Sadyang gusto ng panahon na maging magkaibigan kami ni Alice. Sumakay siya sa harap ng taksi sabay kurot sa tagiliran ko. Malakas siyang kumorot. Napangiwi ako sa sakit "Aray!" Sigaw ko. Hindi ko inasahan yon. Para siyang nanay ko na walang kimi kung kumurot. "Bakit ka umalis?!" Sabay tanong niya na may halong biro. Alam niyang nag selos ako. Pinaliwanag nya kung bakit di niya ako pinansin. Ayaw daw niya makita ng kustomer na may taksi siyang sundo at gwapo ang drayber. Baka daw magselos. Di ko alam kung nabibiro siya o hindi. Pero sana hindi. Alam ni Alice kung paano palambotin ang puso ko. Para kaming matagal ng magkilala kung makipag-usap siya sa akin. " American-Jordanian daw 'yong customer nya na may business consultancy sa pinas. In love daw sa kanya yon at panay ang ligaw. Mapera daw yon. "Kain tayo sa Wendy's, ako ang taya!" Sabi ni Alice.
Nag order kami ng paborito ko malaking French Fries at burger sa Wendy's. Para kaming mag syota. Mahilig humawak si Alice sa braso ko. Nakakailang talaga. Pero siya ay parang balewala. Naramdaman kong medyo lasing siya. Naka labin-dalawang ladies drink daw siya at may tip pa. Tiba-tiba siya. Isa daw siya sa pinag-iinitan ng mga kasamahan niyang mga GRO dahil ng a-agaw daw siya ng kustomer. Hindi na man daw totoo yon. Sadyang masaya lang daw siyang kausap kaya gusto siya ng mga kustomer. "Hindi ka lang masarap kausap Alice, ubod ka pa ng ganda!" Sinabi ko yon habang nakakatitig sa kanya. Iyon na ang pinaka matapang kong nagawa at nasabi sa kanya mulang ng parahin niya ang taksi ko kahapon lang. Ngumiti lang siya tt kumain.
Medyo nag iba ang ihip ang hangin. Parang siya ang nahiya at ako ang tumapang. Ayaw niyang tumingin sa akin. Kaya tumapang ako lalo. Pinagmasdan ko ang ganda nya. May dimples siya sa isang pisngi. May nunal siya sa gilid ng kaliwang mata. Sa edad na beyte kwatro, muksa siyang beynte uno lang. Mas matanda lang siya ng dalawang taon sa akin. Bagay kami. Pweding-pwede. Pero paano ba magka gusto nag isang titser na ubod ng ganda sa isang taksi drayber? Paano ba papatol nag isang napakagandang GRO na nililigawan ng mga mayamang foreigner sa iyang hamak na taksi drayber. Wala ako maipag malaki kay Alice kundi ang pagiging ko at talino at eksperyensya sa lansangan. Pero ramdam kong mayroon siya nakita sa akin na mas higit pa doon. Siguro nakita nyang isa akong totoong tao. Tahimik kaming kumain. Gusto ko sanang tanungin siya ng tanungin pero alam kong may panahon para doon.
Umuwi na kami sa apartment niya. Huminto ako sa harapan ng apartment niya habang hinintay na bayaran niya ako. Oo, magkaibigan kami, pero kailangan pa rin niyang bayaran ang patak ng taksi ko. Pero hindi siya nagbayad at hindi rin siya bumaba. Kinabahan ako. Baka gusto niyang ilibre ko siya sa taksi. No way! Malulugi ako sa boundary. Wala kaming imik mga dalawang minuto. Parang nag-isip kaming dalawa kung ano ang plano namin sa mga buhay namin. Pero hindi maganda ang kutob ko. Naramdaman kong wala siyang palnong magbayad. Patay ako! Bigla humawak sa kamay ko sa sinabing "mabalbon ka pala." Sabay himas-himas. Ewan ko, nawala ang atraksyon ko sa kanya ng maisip kong hindi niya ako babayaran. Ayaw ko sa babaeng manloloko gaano man siya kaganda. Hindi ko siya pinansin. Naghintay ako na magbayad siya at bumaba. Ayaw niyang bumaba.
Nainis ako. Kaya hinalikan ko siya bilang pambabastos. Hindi man lang siya pumalag. Inakap ko siya, matagal. Nagpabaya lang siya. Wala akong naramdamang sarap. Inis ang naramdaman ko. Lugi ako sa biyahe! Tumigil ako. Alam kong hindi na niya ako babayaran sa taksi ko. Kaya sinabi kong, dapat na siyang bumaba at magpahinga. Pero sa totoo lang, gusto ko siyang itulak palabas. Nawala ang lahat ng paghanga ko sa kanya.
May dinukot siya sa shoulder bag at inabot sa akin ang liman-daang piso. 'Keep the change' daw 'for good good service'. Parang binuhusan ako ng malamig natubig. Sobra-sobra ibinayad nya sa akin. At binastos ko pa siya! Sunduin ko raw siya mga alas dos ulit ng madaling araw sa susunod na mga araw. Ngumiti siya at tumalikod. Iyon na ang huli naming pagkikita.
THE END
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment