Tuesday, June 17, 2014

MAYNILA (Tagalog)

Bawat bata sa probinsya pangarap kang marating
Sa sine at sa tv mga larawan mo'y nagniningning
Subalit ang lahat ay pawang anyong panlabas
Pagkat ng kita'y makapiling ika'y malupit at marahas

Matinding hirap at gutom sa iyo'y naranasan
Kawalan ng pag-asa sa iyo'y nakamtan
Mga parke at daan aking natulugan
Wala kang sinlupit sa mga kabataan

Unang ko napasukan billiard boy ng Quiapo
Naging parking boy naman sa pangalawang trabaho
Pagkatapos ay naging truck boy ng Malabanan sa Makati
Di ko pa rin malimutan hanggang ngayon ang masabugan ng dumi

Naging mekaniko rin ng Rocalex taxi sa Anguno
Tapos naging truck driver sa isang smuggler sa Taft Avenue
Pumasok na delivery driver sa West Avenue Quezon City
Hanggang naging waiter sa catering ang pangalan ay Pauli

Minsan ko ring natirhan ang sikat na Ayala Alabang
Family driver ako ng Marcos crony na sobrang yaman
Naging amo ko rin isang Vice President ng GMA 7
Mga sikat na artista ay ordinaryo lang sa aking paningin

Pinaka huli at espesyal kong trabaho ang maging taxi driver
Nadala sa traffic ng hukayin ang pondasyon ng mga fly over
Iniwan kita Maynila upang pumunta at mag-aral sa Cebu
Buhay koy nag-iba nang makatapos nang dalawang kurso

Maynila ikaw sa akin ay isang makulay na ala-ala
Mga lugar na aking natirhan sabik ako na muling makita
Binigyan mo ako ng mapait na may halong tamis na karanasan
Dahil sa yong lupit ako'y naging isang palaban. Bow!

Katha ni: Jun Abines

No comments:

Post a Comment